Sino tsi Ken

Tak Tak Tak Putak! Putak! Putak! Pagbati sa isang umagang kay ganda para sa lahat na mga kyut na mga inahen at mga makikisg na tandang pati na rin sa kaninilang mga tsikiting.

Ako si Tsi Ken. Inaasahan kong magkakaroon din ako ng mga bisitang hindi ko kalahi, hindi ko ka tsik at mahirap maka tsika. Mga taga lupang gala at anti-tsiken. Gayun paman, ninanais kong ipaalam na sa mundo naming mga manok ( kyut na manok ha!) , unang sinasambit ang apelyedo. Katulad nalang sa mga Korean na nauunang sambitin at isulat ang mga apelyedo. Ang una kong pangalan ay Ken at apelyedo ko ay Tsi kaya nasasainyo na mga katsik kung tatawagin niyo akong Tsi o' Ken. Pero kung ako ang inyong papipiliin (malaya rin ako noh! I can tsus), mas gusto kong tawagin akong Ken kasi tunog kyut, tumpak sa maganganda kong balahibo at mala sutla kong kutis. Apo ako ng pinakaunang modelo ng Magnolia Tsiken. Ayokong tawaging Tsi, dahil katunong ng galit at mura. Dehins ko type. Trip ko ang tawaging Ken dahil masarap pakinggan at parang pogi ang pakiramdam. Hindi bat si Ken ang ka partner ni Barbie? Pogi!

Ako'y lalaking babae. Bahala na kayong malito. Ako'y manok na nangigitlog subalit dahil manok ako at walang pakialam, nakikiitlog din ako sa iba. In short, manok lang akong gala at nakiki tsika sa kahit anong maabot ng aking kyut na brain.

But Nontheless I do pray for world Peace!

Mabigyan naman ako ng Miss/Mr. Congeniality award...

 

0 komento: