Adik Talaga

Ahayyyyy! kung kelan ba naman ako na adik sa palabas ng GMA-7 na "Adik Sayo", saka biglang natigil ang nag-uupload nito sa web.

adik sayo Pictures, Images and Photos

Ilang araw na akong hindi nakasubaybay kay "toot toot". Lalo pa naman sanang gumanda ang palabas dahil kay "Madam If". Hahaha. Nay! sana makahanap ako online ng mga episodes na hindi ko na nakita.

Mangbogbog Ba

Minsan may nakita akong isang lalaki at isang babae na nag aaway sa daan. Nakatingin lang ang mga tao sa paligid at kunwari hindi nakikialam, pero halata namang nagmamasid, hindi nga lang tuwirang nakatingin (isa na ako doon..shhh). Nang sobrang mainit na ang pagtatalo ng dalawa, nagkabogbogan na. Binogbog ng lalaki ang babae at talaga nga namang nabogbog ito. Walang katapusang Pok- Tok- bog (isali mo na ang ibang tunog, di ko na kasi naitala at ako'y lubos na naawa sa babaing iyak ng iyak). Marahil sa sobrang awa, isang estranghero ang lumapit at inawat ang lalaking sige pa rin sa pagtapon ng kanyang kamao.

Ang sabi ng estrangherong lalaki; "Tama na pare maawa ka naman, bogbog na masyado, babae pa."

Sagot ng lalaking gustong maging boksingero; "Umalis ka diyan, huwag kang makisali dito".

Galit na galit ang mokong and take note hindi siya lasing. Kung nakainom man siya, siguro isa or dalawang bote lang, base sa kanyang tayo, galaw at mukha.

Sumagot ngayon ang gustong maging hero na estranghero; "Pare awat na, kung saktan mo pa yang babae, tatawag na kami ng pulis"

Nagsalita ngayon ang babaeng binogbog. "Huwag kang makialam dito. Away mag-asawa to. Asawa ko siya. May karapatan siyang saktan ako."

Nagulat ang mga nakarinig. Pati pa iyong mga kunyari nakayoko at hindi nakatingin, ayon nagsitinginan na.

Abay may tama rin ang babae ha, siya na nga itong tinulugan para huwag na mambogbog, nagalit pa umawat at kinampihan ang asawa. Siguro iyong mga taong nakapalibot doon gusto siyang bogbogin lalo, imbes na tulungan.

Halaka! Saan kaya niya nakuha ang ideyang dahil asawa niya, pwedi na siyang bogbogin? Goodness! Kahit pa dugo dugo na siya at siguro basag na ang bungo. Kung kapatid ko siya bobog bogin ko siguro lalo at baka kapag nagalaw ang utak, baka tumino.

Hindi maiiwasang mag away ang mag-asawa. Kapagka dalawang tao magkasama, mag asawa man o mag syota o magkaibigan, darating at darating ang pagkakataon na may hindi pagkasunduan. Siyempre dalawang indibidual yan, may pagkakaiba. Sabi nga nila unique ang bawat isa. Pero naku naman! kapagka umabot na sa bogbogan ibang usapan na yan. Mangbogbog ba talaga? Ang babae isang malakas na malakas na pilantok lang sa may tenga o' kaya pisil, masasaktan na yan. Magkano lang ba ang lakas ng babae kumpara sa lakas ng mga lalaki?

Kung bobog bogin lang naman pala, isauli nalang sa kanila o' kaya palayain na at nang makahanap ng taong mamahalin siya.

Ang lalaking mabilis magbuhat ng kamay sa babae, MAHINA. Walang kontrol sa sarili. Kung galit na galit na talaga, lalo't kung ang babae ay malaki rin ang bunganga at talak ng talak, abay umalis nalang sana. Lumayo (nang higit pa sa isang dipa). Magpahangin, magpalamig. Kung summer time, kumain ng halo-halo, maligo, magbilang ng mga ibon, mag muni-muni bago pa magkasakitan.

Sa mga babaeng OK lang ang saktan siya, juice ko day! mag-isip isip kayo mga ineng. Hindi ka pinalaki ng magulang mo para bogbogin lang. Minsan din, yong lalaki ang binobogbog at nagkaka pasa pasa sa mga astig na misis. Hala! paabotin ba talaga sa bogbogan? Ok lang yang bogbog sa sarap (ehem...iba naman yon). Kung noong bata ka pa ay bogbog ka rin sa magulang mo o sa mga kasamahan mo or kung saan ka man tumanda, hindi ba't masarap naman ang mamuhay ng maaliwalas at wala nang bogbogan. Nakakasawa yata yon eh! Kung hindi mo mahalin ang sarili mo, sino pa bang magmamahal sayo ng tama?

Ok lang ang away. Lahat dumadaan sa mga panahong mag aaway. Kapag umabot na sa Pisikal , di na Ok yan. Hindi pweding e apply ang kantang "let's get physical" ni Olivia Newton John dito. No no.

Sikat is The What?

Oy! Sikat na rin ang nanay ni Manny Pacquiao at marami na palang nag-aalok na magshowbiz siya pero ayaw na niyang mag showbiz dahil hindi pa man nasimulan eh may tsismis at intriga na . May romantic relationship daw si Aling Dionisia Pacquiao sa kanyang “DI" (dance instructor). Nyah! showbiz talaga. Kung anik anik nalang ginagawang estorya. Pakilam niyo naman kung meron. Hehehe! Nag birthday pang 60 si Aling Dionisia noong nakaraang linggo at deninay ni nanay ang estoryang itich. Ayaw din daw ni Manny na magshowbiz siya. Commercial endorsements will do, wag showbiz. Aba! sikat na din si nanay ha!

Ok ako kay Manny Pacquaio at syempre happy din ako na nabibigyan niya ng karangalan at positibong imahe ang Pilipinas. Pero dehins ako okay na maraming Pinoy ang nag oover rate sa kanya. Juice Ko Day! parang daig pa ang pagpupugay na inukol sa kanya kaysa kay Rizal. Hindi ako magtataka kung one day, bigla na lang siyang maging gobernador o kaya senator, o kaya Pangulo ng Pilipinas. Baka pati si Nanay Dionisia ipatakbo din sa susunod darating na eleksyon, baranggay captain, congresswoman o ano pa man. Hindi naman sa minamaliit ko sila nanay at si Manny, hinahangaan ko nga sila dahil tunay na nagsumikap, umasenso at nakapagbigay karangalan sa bayan. Ang sinasabi ko lamang, ang kasikatan nila baka maging daan papuntang pulitika. Maraming mga bubuyog diyan na maaring umalok at humikayat, para makisakay din sa popularity nila. Nakakatuwa si Nanay sa TV, masaya at namamahagi ng grasya sa mga kaibigan at kaanak. Magandang kaugalian na dapat tularan. Sana lang huwag macorrupt ng mga nakapaligid na may balak makisakay sa tagumpay. Wala namang masama kung sumabak sila sa pulitka dahil tunay namang mga dugong Pinoy at possibleng qualified din. Wala nga lang sapat na eksperyensya sa politika. Yon ang mahirap.

Ang kawalan ng eksperyensya at sapat na karunungan sa pagpapatakbo ng bayan ang dalawa sa pinakarason kung bakit nagkagulo gulo na ang bansa natin. Idagdag mo pa ang mga tupperware at makasariling politiko na nagbabalatkayo para makaupo sa pwesto at makaangkin ng konting kapangyarihan.

Basta kasi sikat! Hala bira nalang sa balota. Nakakainis na isipin, pero ayoko nang mastress at baka mapisa ang mga etlog ko. Hindi pa oras ng pangigitlog.

Kelan pa kaya tayo matuto no?

Torn Between Eg1 and 0

Gusto ko sanang magpalit ng bagong Blog name kaya lang nawiwili ako sa tak tak tak putak. Kasi naman may numero na siya sa Google ano! Uno nga lang, pero at least may numero na. Hay naku! may naisipan pa naman akong magandang pangalan.

Abangan niyo na lang kung e hidden ko na ba ang aking pag puputak putak. At magkaroon ng bago katulad nalang ng pag aasawa di ba? bitbitin ng inahin ang apelyedo ng dyowa.

Hmmm...ano sa tingin niyo?

Nang Mainggit Tsi Ken

Grabe ang tagal kong naglimlim. Hindi ako nakapag putak ng mahabang panahon. Bakit kamo? Ay! nabusy ako. Trabaho muna bago putak. Op korz marunong din ang Tsi Ken kumayod. Hindi lang ang kalabaw ang kumakayod tsiken.

So ayun, naantala ang pagputak putak ko. Nawalan ako ng boses. Wah! napapaos din ang Tsi Ken noh!

Ba't ako nabuhay muli? Oist ha! naiingit lang ako kakabasa sa mga tagalog blogs everywhere. Parang sa kakabasa ko ng mga tsika nila ay nagkaroon ako ng energy, bumalik ang aking boses. Ngayon parang kaboses ko na si Regine Velasquez.

Alam niyo marami akong na miss. Tagal kong nawala, di makatype tsi ken. Pero one thing for sure, magulo pa rin ang mundo. Hayzzz..wala na bang katapusan itich? Tumahimik na nga ako sa kapuputak, pagbalik ko magulo pa rin? Kailangan na talaga ng world ng Miracle...

O siya makatahimik na nga muna at ako'y magmumuni-muni pa. Time for peace muna tsi ken. Ngork muna. As in mahabang zzzzzzzzzzzzzz.

Natutulog din ang manok no! patago nga lang, baka maprito ng mga akyat-bahay. Wahaha! Gudnyt!

Paalam Salawi at Kain

I say goodbye to my two friends, Salawi at Kain. Napansin ko lang kasi na marami akong bisita dito, mga beautiful people na galing pa sa google, naghahanap ng mga information tungkol sa mga Salawikain at Sawikain. (Thank You Po!)

Nahiya ako sa kanila dahil yong post kong patungkol sa Salawikain at Sawikain ay puro kalokohan, although sinabi ko din naman ang tunay na kahulugan sa dulo. Kaya lang baka may mga bisita akong tsikiting at mga cute na kabataan na hindi aagad makuha ang aking kalokohan, baka naman mangitlog ang grades kaya inalis ko na agad. Sabi nila misery loves company, pero dyos ko day! ayoko naman mabigay ng mga libreng itlog noh! baka maubusan ako ng stock for next year.

Pero sa mga naghahanap ng kahulugan at mga halimbawa ng salawikain at sawikain, puntahan niyo mo ang blog na ito → http://mgasalawikainatsawikain.blogspot.com. Mabubusog kayo ng mga salawikain, sawikain at mga kasabihang Pilipino doon.