Magbilang ng Tama

Salawikain : Huwag magbilang ng manok kung ang alaga mo'y itik.

chicken Pictures, Images and Photos

Totoo nga siguro yong sinasabi ng ibang tao na huwag pangunahan ang mga bagay bagay dahil baka hindi matuloy, o' baka mawala. Minsan kasi nae-excite tayong masyado at nagbibilang kaagad tayo ng manok. Nagiging advance tayo masyado kahit hindi pa man tapos ang mga paghahanda.

Ganun din kayo noh? Aminin! Hindi ba? Minsan parang pina-fastforward natin ang mga pangyayari at sa isipan natin ay ang future na. Bagamat magandang mag-isip ng positibong kinabukasan dahil nagbibigay ito sa atin ng dagdag lakas ng loob, hindi rin mabuti ang masyado tayong advance, lalo't kalagitnaan pa lang ng processo.

Huwag maging atat!