KOntak Ken

Para sa inyong mga katanungan, reklamo, suhestyon , patalastas at kahit anong putak pa man, maari niyo lang iwan ang inyong mga mensahe sa aking message box sa may gilid ng blog na ito o' kaya sumulat sa pamamagitan ng electrik na pamamaraan, huwag lang sa oven at stove.

Ang akin pong email address ay

Chicken, Tsiken, Manok

Please handle with care, baka mapisa ang mga pinakainiingat ingatan kong tlog. Kung kayo naman po ay maniningil ng utang...brown out po samin, walang kuryente maging daan ng electric na pamamaraan. Saka marami pong aso sa amin, mga bestfriends ko. Wala na rin po kaming mailbox, pinatanggal ko na kay tatay.

Tenk you po. Paalala lang po ulit. Et Mor Bef!

Mabuhay!

The Unit

The Unit

Nakahiligan ko ang manood ng "The Unit" ngayon. Isa itong american TV series na pinagbibidahan ni Dennis Haysbert. Maganda ang series dahil sa magagandang action, drama, at thriller patungkol sa isang top-secret military unit na binase sa totoong Delta Force.

Magandang palabas, di nakakaantok. Mahilig kasi ako sa mga spy movies, iyong mga mission mission, mga investigation at iba pa. Hindi ko rin naman napapabayaan ang aking mga gagawin dahil nanonood ako ng palabas habang gumagawa ng iba pang bagay sa bahay. Mga bagay na pweding gawin sa harap ng telebisyon, magtupi ng damit o kaya mag blog. Di ba?

Nakita Mo Na Ba?

Hindi ko mahanap hanap ang nawawala kong etlog. Pakiusap lang po. Kung sino nakakita ng 2 kong etlog, pakisauli po at kailangan ko pang limliman ng mabuti yan. Madali po silang makilala dahil nilagyan ko ng pintura ang bawat etlog. Ang isang etlog ay may tatak C, para sa kanyang pangalan na Crispin at B naman ang tatak ng isa para sa pangalang Basilio.

Crispinnnnnnnnnnn....Basiliooooooooooo....mga etlog ko.

San na kayooooooooooooooooo...

Sino tsi Ken

Tak Tak Tak Putak! Putak! Putak! Pagbati sa isang umagang kay ganda para sa lahat na mga kyut na mga inahen at mga makikisg na tandang pati na rin sa kaninilang mga tsikiting.

Ako si Tsi Ken. Inaasahan kong magkakaroon din ako ng mga bisitang hindi ko kalahi, hindi ko ka tsik at mahirap maka tsika. Mga taga lupang gala at anti-tsiken. Gayun paman, ninanais kong ipaalam na sa mundo naming mga manok ( kyut na manok ha!) , unang sinasambit ang apelyedo. Katulad nalang sa mga Korean na nauunang sambitin at isulat ang mga apelyedo. Ang una kong pangalan ay Ken at apelyedo ko ay Tsi kaya nasasainyo na mga katsik kung tatawagin niyo akong Tsi o' Ken. Pero kung ako ang inyong papipiliin (malaya rin ako noh! I can tsus), mas gusto kong tawagin akong Ken kasi tunog kyut, tumpak sa maganganda kong balahibo at mala sutla kong kutis. Apo ako ng pinakaunang modelo ng Magnolia Tsiken. Ayokong tawaging Tsi, dahil katunong ng galit at mura. Dehins ko type. Trip ko ang tawaging Ken dahil masarap pakinggan at parang pogi ang pakiramdam. Hindi bat si Ken ang ka partner ni Barbie? Pogi!

Ako'y lalaking babae. Bahala na kayong malito. Ako'y manok na nangigitlog subalit dahil manok ako at walang pakialam, nakikiitlog din ako sa iba. In short, manok lang akong gala at nakiki tsika sa kahit anong maabot ng aking kyut na brain.

But Nontheless I do pray for world Peace!

Mabigyan naman ako ng Miss/Mr. Congeniality award...