Mangbogbog Ba

Minsan may nakita akong isang lalaki at isang babae na nag aaway sa daan. Nakatingin lang ang mga tao sa paligid at kunwari hindi nakikialam, pero halata namang nagmamasid, hindi nga lang tuwirang nakatingin (isa na ako doon..shhh). Nang sobrang mainit na ang pagtatalo ng dalawa, nagkabogbogan na. Binogbog ng lalaki ang babae at talaga nga namang nabogbog ito. Walang katapusang Pok- Tok- bog (isali mo na ang ibang tunog, di ko na kasi naitala at ako'y lubos na naawa sa babaing iyak ng iyak). Marahil sa sobrang awa, isang estranghero ang lumapit at inawat ang lalaking sige pa rin sa pagtapon ng kanyang kamao.

Ang sabi ng estrangherong lalaki; "Tama na pare maawa ka naman, bogbog na masyado, babae pa."

Sagot ng lalaking gustong maging boksingero; "Umalis ka diyan, huwag kang makisali dito".

Galit na galit ang mokong and take note hindi siya lasing. Kung nakainom man siya, siguro isa or dalawang bote lang, base sa kanyang tayo, galaw at mukha.

Sumagot ngayon ang gustong maging hero na estranghero; "Pare awat na, kung saktan mo pa yang babae, tatawag na kami ng pulis"

Nagsalita ngayon ang babaeng binogbog. "Huwag kang makialam dito. Away mag-asawa to. Asawa ko siya. May karapatan siyang saktan ako."

Nagulat ang mga nakarinig. Pati pa iyong mga kunyari nakayoko at hindi nakatingin, ayon nagsitinginan na.

Abay may tama rin ang babae ha, siya na nga itong tinulugan para huwag na mambogbog, nagalit pa umawat at kinampihan ang asawa. Siguro iyong mga taong nakapalibot doon gusto siyang bogbogin lalo, imbes na tulungan.

Halaka! Saan kaya niya nakuha ang ideyang dahil asawa niya, pwedi na siyang bogbogin? Goodness! Kahit pa dugo dugo na siya at siguro basag na ang bungo. Kung kapatid ko siya bobog bogin ko siguro lalo at baka kapag nagalaw ang utak, baka tumino.

Hindi maiiwasang mag away ang mag-asawa. Kapagka dalawang tao magkasama, mag asawa man o mag syota o magkaibigan, darating at darating ang pagkakataon na may hindi pagkasunduan. Siyempre dalawang indibidual yan, may pagkakaiba. Sabi nga nila unique ang bawat isa. Pero naku naman! kapagka umabot na sa bogbogan ibang usapan na yan. Mangbogbog ba talaga? Ang babae isang malakas na malakas na pilantok lang sa may tenga o' kaya pisil, masasaktan na yan. Magkano lang ba ang lakas ng babae kumpara sa lakas ng mga lalaki?

Kung bobog bogin lang naman pala, isauli nalang sa kanila o' kaya palayain na at nang makahanap ng taong mamahalin siya.

Ang lalaking mabilis magbuhat ng kamay sa babae, MAHINA. Walang kontrol sa sarili. Kung galit na galit na talaga, lalo't kung ang babae ay malaki rin ang bunganga at talak ng talak, abay umalis nalang sana. Lumayo (nang higit pa sa isang dipa). Magpahangin, magpalamig. Kung summer time, kumain ng halo-halo, maligo, magbilang ng mga ibon, mag muni-muni bago pa magkasakitan.

Sa mga babaeng OK lang ang saktan siya, juice ko day! mag-isip isip kayo mga ineng. Hindi ka pinalaki ng magulang mo para bogbogin lang. Minsan din, yong lalaki ang binobogbog at nagkaka pasa pasa sa mga astig na misis. Hala! paabotin ba talaga sa bogbogan? Ok lang yang bogbog sa sarap (ehem...iba naman yon). Kung noong bata ka pa ay bogbog ka rin sa magulang mo o sa mga kasamahan mo or kung saan ka man tumanda, hindi ba't masarap naman ang mamuhay ng maaliwalas at wala nang bogbogan. Nakakasawa yata yon eh! Kung hindi mo mahalin ang sarili mo, sino pa bang magmamahal sayo ng tama?

Ok lang ang away. Lahat dumadaan sa mga panahong mag aaway. Kapag umabot na sa Pisikal , di na Ok yan. Hindi pweding e apply ang kantang "let's get physical" ni Olivia Newton John dito. No no.

 

1 komento:

Hari ng sablay said...

nkakabadtrip talaga mga lalaking kaya lamang e mga asawa.at mas lalung nkakabadtrip ung babae,hehe bhala sila sa buhay nila...