Nang Mainggit Tsi Ken

Grabe ang tagal kong naglimlim. Hindi ako nakapag putak ng mahabang panahon. Bakit kamo? Ay! nabusy ako. Trabaho muna bago putak. Op korz marunong din ang Tsi Ken kumayod. Hindi lang ang kalabaw ang kumakayod tsiken.

So ayun, naantala ang pagputak putak ko. Nawalan ako ng boses. Wah! napapaos din ang Tsi Ken noh!

Ba't ako nabuhay muli? Oist ha! naiingit lang ako kakabasa sa mga tagalog blogs everywhere. Parang sa kakabasa ko ng mga tsika nila ay nagkaroon ako ng energy, bumalik ang aking boses. Ngayon parang kaboses ko na si Regine Velasquez.

Alam niyo marami akong na miss. Tagal kong nawala, di makatype tsi ken. Pero one thing for sure, magulo pa rin ang mundo. Hayzzz..wala na bang katapusan itich? Tumahimik na nga ako sa kapuputak, pagbalik ko magulo pa rin? Kailangan na talaga ng world ng Miracle...

O siya makatahimik na nga muna at ako'y magmumuni-muni pa. Time for peace muna tsi ken. Ngork muna. As in mahabang zzzzzzzzzzzzzz.

Natutulog din ang manok no! patago nga lang, baka maprito ng mga akyat-bahay. Wahaha! Gudnyt!

 

0 komento: