Sikat is The What?

Oy! Sikat na rin ang nanay ni Manny Pacquiao at marami na palang nag-aalok na magshowbiz siya pero ayaw na niyang mag showbiz dahil hindi pa man nasimulan eh may tsismis at intriga na . May romantic relationship daw si Aling Dionisia Pacquiao sa kanyang “DI" (dance instructor). Nyah! showbiz talaga. Kung anik anik nalang ginagawang estorya. Pakilam niyo naman kung meron. Hehehe! Nag birthday pang 60 si Aling Dionisia noong nakaraang linggo at deninay ni nanay ang estoryang itich. Ayaw din daw ni Manny na magshowbiz siya. Commercial endorsements will do, wag showbiz. Aba! sikat na din si nanay ha!

Ok ako kay Manny Pacquaio at syempre happy din ako na nabibigyan niya ng karangalan at positibong imahe ang Pilipinas. Pero dehins ako okay na maraming Pinoy ang nag oover rate sa kanya. Juice Ko Day! parang daig pa ang pagpupugay na inukol sa kanya kaysa kay Rizal. Hindi ako magtataka kung one day, bigla na lang siyang maging gobernador o kaya senator, o kaya Pangulo ng Pilipinas. Baka pati si Nanay Dionisia ipatakbo din sa susunod darating na eleksyon, baranggay captain, congresswoman o ano pa man. Hindi naman sa minamaliit ko sila nanay at si Manny, hinahangaan ko nga sila dahil tunay na nagsumikap, umasenso at nakapagbigay karangalan sa bayan. Ang sinasabi ko lamang, ang kasikatan nila baka maging daan papuntang pulitika. Maraming mga bubuyog diyan na maaring umalok at humikayat, para makisakay din sa popularity nila. Nakakatuwa si Nanay sa TV, masaya at namamahagi ng grasya sa mga kaibigan at kaanak. Magandang kaugalian na dapat tularan. Sana lang huwag macorrupt ng mga nakapaligid na may balak makisakay sa tagumpay. Wala namang masama kung sumabak sila sa pulitka dahil tunay namang mga dugong Pinoy at possibleng qualified din. Wala nga lang sapat na eksperyensya sa politika. Yon ang mahirap.

Ang kawalan ng eksperyensya at sapat na karunungan sa pagpapatakbo ng bayan ang dalawa sa pinakarason kung bakit nagkagulo gulo na ang bansa natin. Idagdag mo pa ang mga tupperware at makasariling politiko na nagbabalatkayo para makaupo sa pwesto at makaangkin ng konting kapangyarihan.

Basta kasi sikat! Hala bira nalang sa balota. Nakakainis na isipin, pero ayoko nang mastress at baka mapisa ang mga etlog ko. Hindi pa oras ng pangigitlog.

Kelan pa kaya tayo matuto no?

 

0 komento: